PROBE REPORTS OF ABDUCTIONS – REVILLA
Senator Ramon Bong Revilla, Jr. today asked the Philippine National Police (PNP) to verify reports emerging in social media alleging increasing abductions of minor children, mostly female, by persons aboard white vans. Similar reports have previously emerged in social media but were dismissed by the police as unverified and not true.
In his letter to Police General Rodolfo S. Azurin, Jr., Chief of the Philippine National Police, the lawmaker urged the PNP to seriously look into the matter as those reports are starting to cause widespread panic and concern.
"Ang mga kwentong umiikot sa social media tungkol sa mga pandurukot umano involving itong mga puting van, kasama na rin ang mga social media posts ng mga nawawala lalo dito sa kalakhang Maynila ay dapat bigyan ng mabilisang pansin at aksyon. Mahalagang matukoy natin kung may katotohanan sa mga balita ito, o kung may mga masasamang loob lamang na nais magpalaganap ng takot sa taumbayan”, Sen. Revilla said.
“We have to be certain as to the truth or falsity of these reports,” Revilla admonished. “If true, then the PNP should waste no effort in apprehending the perpetrators. If however they are proven to be hoaxes, then the PNP should not be content in just saying so, but ensure that those responsible are also identified and made accountable. As we ensure that no unnecessary worry is spread among the public, we must guarantee the safety of the people,” he stressed.
Revilla said he has been approached by numerous parents expressing their anxiety over the safety of their children, especially that face to face classes have already resumed. “Responsibilidad natin na kampantehin ang publiko at alisin ang mga agam-agam ng mga magulang, mag-aaral, at ng ating mga kababayan sa kabuuan. I challenge the new leadership of the PNP to address this and put closure on this issue,” he ended. -30-
REPORT SA SOCMED NG MGA PANDURUKOT, BUSISIIN – REVILLA
HINIKAYAT ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahang mabuti sa halip na maliitin ang kumakalat na balita na nagsimula sa social media na umano’y pagdukot sa mga menor de edad na karaniwan ay babae, gamit ang isang puting van. Matatandaang matagal nang paulit-ulit na lumalabas sa social media ang mga post na ganito.
Sa isang liham na ipinadala ni Revilla kay Chief PNP Police General Rodolfo S. Azurin, Jr. ay hiniling nito sa PNP na seryosong tutukan ang naturang ulat na ngayon ay pinag-uusapan na sa diyaryo, radyo at telebisyon na nagdudulot na ng takot sa mga magulang.
"Ang mga kwentong umiikot sa social media tungkol sa mga pandurukot umano involving itong mga puting van, kasama na rin ang mga social media posts ng mga nawawala lalo dito sa kalakhang Maynila ay dapat bigyan ng mabilisang pansin at aksyon. Mahalagang matukoy natin kung may katotohanan sa mga balita ito, o kung may mga masasamang loob lamang na nais magpalaganap ng takot sa taumbayan”, paliwanag ni Revilla.
Sinabi pa ni Revilla na hangga’t maaga ay kailangang mailabas ang katotohanan sa ulat na ito o kaya ay mapabulaanan upang hindi maghasik ng takot lalo pa at kabubukas pa lamang ng klase.
Idinagdag pa ni Revilla na hindi dapat na isinasara agad ng PNP ang ulat na ito dahil kung wala umano itong katotohanan ay dapat na tugisin naman kung sino ang nasa likuran ng pagpapakalat ng walang katotohanang ulat na ito.
“Kaligtasan ng publiko ang prayoridad natin dito, ilabas ang totoo dahil may isang batang babae ang nagbigay ng pahayag kahapon lang na tinangka umano siyang dukutin ng puting van ngunit nakatakas siya at nakita pa umano na may tattoo sa braso ang isa sa mga kidnappers, may kasabihan nga na hindi nagsisinungaling ang bata” kuwento pa ni Revilla.
Nabatid na ang nakatakas na biktima ay nasa pangangalaga ng PNP at hindi pa pinapayagang makipag-usap sa media kasabay ng pagsisi rin ng PNP sa media kung bakit pinalalaki ang ulat na ito.
“Hinahamon ko ang pamunuan ng PNP na tugunan ang problemang ito at huwag pagtakpan ang katotohanan, dahil responsibilidad natin na kampantehin ang publiko at alisin ang mga agam-agam ng mga magulang, mag-aaral, at ng ating mga kababayan sa kabuuan. Tuldukan na dapat at iresolba kung may katotohanan ang ulat” pagwawakas pa ni Revilla.
-30-