SEN. BONG REVILLA SET TO FILE FIRST TEN PRIORITY BILLS AIMED AT PROMOTING SOCIAL JUSTICE

Ahead of the opening of the 19th Congress on July 25, Senator Ramon Bong Revilla Jr. will be filing his first ten priority bills tomorrow, Monday.

Based on the guidelines released by the Senate’s Legislative Bills and Index Service, the seniority in the chamber will be the basis of the order of filing. As a legislator who has served 3 terms in the Senate, Sen. Revilla is the third to file bills tomorrow in the first round of filing.

In his first ten measures, Sen. Revilla introduces bills that further promote social justice that will help uplift the lives of ordinary Filipinos, especially the marginalized. His proposed policies, when enacted into law, will help teachers, farmers, the elderly, laborers, students, and those who are homeless and affected by hunger.

“As a long-time Senator, I will continue my career-long advocacy to champion the passage of laws that will help and improve the lives of the least, the lost, and the last”, Sen. Revilla said.

Among the bills he will file are ‘Direct Financial Assistance to Farmers Act’, ‘Family Medical Leave Act’, ‘Free Public Housing Act’, and a bill subsidizing tertiary education of indigent students in private higher educational institutions.

SEN. BONG REVILLA, TINIYAK ANG PAGHAHAIN NG UNANG SAMPUNG PANUKALANG BATAS PARA SA KATARUNGANG PANLIPUNAN

Kasado na ang paghahain ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ng kanyang unang sampung panukalang batas bago pa man magbukas ang sesyon ng Kongreso sa ika-25 ng Hulyo 2022.

Ayon sa guidelines ng Senate Legislative Bills and Index Service, mauunang maghain ng tig-sasampung prayoridad na panukalang batas ang mga pinakamatagal nang nagsilbing mambabatas sa Senado. Sa 24 na senador, itinakda si Sen. Revilla na pangatlo sa mga makakapaghain ng kanyang mga panukala bilang nakapagsilbi siya sa loob ng tatlong termino.

Tinutukan ni Sen. Revilla ang pagsusulong ng mga batas na naglalayong mas paigtingin pa ang katarungang panlipunan para sa mga ordinaryong Pilipino. Ilan sa mga ito ang mga panukalang naglalayong maiangat pa ang pamumuhay ng mga titser, magsasaka, senior citizens, empleyado, estudyante, at ng mga Pilipinong walang tirahan at apektado ng kagutuman sa bansa.

“Bilang isa sa mga beterano nang mambabatas, nais kong pag-ibayuhin pa ng aking adbokasiya sa pagsusulong ng mga makabuluhang batas na tunay na makapag-aangat sa estado ng pamumuhay ng bawat Pilipino - laung-lalo na 'yung mga pinaka-nangangailangang sektor ng ating bansa”, ani Revilla.

Kasama sa mga panukalang batas na ihahain ni Sen. Revilla ay ang 'Direct Financial Assistance to Farmers Act’, ‘Family Medical Leave Act’, ‘Free Public Housing Act’, at batas na magbibigay ng subsidiya sa mga mga mahihirap na estudyante na gustong makapag-aral sa pribadong kolehiyo.

Ayon sa mabuting Senador, ilan pa lamang ito sa marami pang panukalang batas na kanyang isusulong upang matulungang maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Edward Sodoy