REVILLA PROVIDES RELIEF ASSISTANCE TO FIRE VICTIMS IN MALABON
Senator Ramon Bong Revilla, Jr. led the distribution of relief assistance for fire victims in Damata Letre, Barangay Tonsuya, Malabon City after a fire broke out in the area last October 16 and razed the homes of 168 families.
According to the report, the blaze, which lasted for 4 hours during the wee hours of Sunday morning, reached the third alarm level.
The lawmaker personally handed food packs to the affected families, together with Punong Barangay Jennifer Loquez. They were also joined by Punong Barangay Angelika dela Cruz of Brgy. Longos, Malabon City, who is also a celebrity just like Revilla.
“Narito ako para maghatid ng tulong at tingnan ang kalagayan ng bawat isa sa inyo, basta’t ako po ay hindi makakalimot sa inyo dahil hindi ninyo ako kinalimutan at pinabayaan, kaya hindi-hindi po namin kayo pababayaaan” the solon said.
“Lahat ng pagsubok kaya natin ‘yan, dahil hindi ‘yan ibibigay ng Diyos kung hindi natin kaya, ang importante ay buhay tayo, malakas ang ating pamilya, hindi tayo nagkakasakit—‘yan ang pinakaimportante” Revilla added as he spoke to the fire victims.
He further assured and inspired the victims that a new start will soon come for them as long as they do not stop enduring life and not lose hope, and continue to trust the One above.
-30-
REVILLA RUMESPONDE SA SUNOG, NAMIGAY NG TULONG SA MALABON
PERSONAL na dinaluhan ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. upang dalhan ng tulong ang may 168 pamilya at 608 inidibidwal na mga biktima ng sunog sa Damata Letre, Barangay Tonsuya, Malabon City ngayong araw ng Linggo.
Ang sunog ay naganap noong Oktubre 16, bandang ala 1:50 ng umaga at naapula ng bandang alas 5:42 ng umaga ay inabot ng ikatlong alarma at umabot sa 140 pamilya ang nawalan ng tirahan samatalang nasa 28 ang hindi naman natupok ng tuluyan.
Dahil dito ay agad nagtungo si Revilla sa lugar na nasasakupan ni Brgy. Capt. Jennifer Loquez at kasama ni Revilla si Kapitana Angelica dela Cruz na isa ring artista na tumulong sa pamamahagi ng family food packs at relief packs na dala ng kampo ni Revilla.
“Narito ako para maghatid ng tulong at tingnan ang kalagayan ng bawat isa sa inyo, basta’t ako po ay hindi makakalimot sa inyo dahil hindi ninyo ako kinalimutan at pinabayaan, kaya hindi-hindi po namin kayo pababayaaan” pahayag ni Revilla.
Nabatid na halos hindi magkamayaw ang tao sa pagdating ni Revilla dahil sa pananabik sa ipamamahaging tulong kung saan ay damang-dama sa lugar ang labis na kakulangan at pangangailangan ng mga nawalan ng tahanan at ngayon ay sama-sama sa mga evacuation center.
“Lahat ng pagsubok kaya natin ‘yan, dahil hindi ‘yan ibibigay ng Diyos kung hindi natin kaya, ang importante ay buhay tayo, malakas ang ating pamilya, hindi tayo nagkakasakit—‘yan ang pinakaimportante” pahayag pa ni Revilla sa mga biktima ng sunog na seryosong nakikinig.
Sinabi pa ni Revilla na hindi lang materyal na tulong ang kailangan ng mga nawalan ng tirahan dahil kailangan ding ibalik muli ang tiwala nila nila sa Diyos at sarili para makapagsimula muli kaya umano nagbigay siya ng mensahe sa mga ito.
-30-