#ENDChildRape: Revilla airs support to bill increasing age of statutory rape

Senator Ramon Bong Revilla, Jr. co-sponsored on Wednesday Senate Bill 2332 which increases the age for determining statutory rape and other acts of sexual abuse and exploitation, from twelve years old to sixteen years old.

Revilla is one of the authors of the measure as he filed Senate Bill 1258 which was consolidated under Committee Report 279 of the Senate Committee on Justice and Human Rights.

In his sponsorship speech, he noted that just last month there was the #ENDChildRape social media campaign participated by celebrities and advocates calling on lawmakers to prioritize the legislation which amends the Anti-Rape Law of 1997 and strengthens the protection of children against sexual abuse and exploitation.

Said campaign cites that the age of sexual consent in the Philippines is one of the lowest in Asia and the world. In addition, it also highlighted that one cannot get married, vote, sign contracts and get a driver's license until 18 years old, and yet adults can have sex with children as young as 12 years old and claim it was consensual.

"Talaga pong nakakakulo ng dugo at nakakapanginig ng kalamnan ang mga balita ng pagsasamantala sa ating mga kabataang nasa edad dose anyos, na walang kamuwang-muwang at walang kalaban-laban. Nararapat lamang po na magkaroon tayo ng mas matibay na batas upang mapanagot at maparusahan ang sinumang gumagawa ng karumal-dumal na gawaing ito," Revilla emphasized.

In his version of the bill, Revilla noted that the Philippines is party to the Convention on the Rights of a Child which obliges all State parties to take all measures to protect children from all forms of sexual exploitation and abuse, including coercion of a child to engage in any unlawful sexual activity.

He explained that the establishment of a minimum age of sexual consent is a critical component in shielding children from sexual violence, as children below such age are considered without the power to resist and to give their genuine and fully informed consent to any sexual activity.

Revilla also thanked the Chairman of the Justice Committee, Sen. Richard Gordon, for elevating the bill before the plenary for further discussion, and for bringing this urgent measure closer to becoming enacted into law.

 

REVILLA NAGPAHAYAG NG SUPORTA NA ITAAS ANG EDAD NG STATUTORY RAPE

Co-sponsor si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. noong nakaraang Miyerkules sa Senate Bill 2332 na naglalayong itaas ang edad para madetermina ang statutory rape at iba pang akto ng pang-aabuso at exploitation, mula labingdalawa hanggang labing-anim na taon.

Si Revilla na isa sa may akda ng naturang panukala ay isinumite ang Senate Bill 1258 upang maisama sa ilalim ng Committee Report 279 ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

Sa kaniyang sponsorship speech, sinabi ng butihing Senador na noong nakaraang buwan lumaganap ang kampanyang #ENDChildRape sa social media na nilahukan ng ilang celebrities at advocates na nananawagan sa mga mambabatas na bigyang prayoridad ang pagsusumite ng batas na mag-aamyenda sa Anti-Rape Law of 1997 at palakasin ang proteksiyon sa mga bata laban sa pang-aabusong sekswal at exploitation.

Lumalabas sa naturang campaign cites na ang edad ng sexual consent sa Pilipinas ay isa sa pinakamababa sa Asia at sa buong mundo, nabigyang diin din na hindi maaaring mag-asawa, bumoto, pumirma sa kontrata at makakuha ang driver’s license ang hindi pa 18 anyos ngunit may mga matatanda nang nakikipagtalik sa mga batang nasa 12 anyos lamang at sinasabing isa itong pagsang-ayon.

“Talaga pong nakakakulo ng dugo at nakakapanginig ng kalamnan ang mga balita ng pagsasamantala sa ating mga kabataang nasa edad dose anyos, na walang kamuwang-muwang at walang kalaban-laban. Nararapat lamang po na magkaroon tayo ng mas matibay na batas upang mapanagot at maparusahan ang sinumang gumagawa ng karumal-dumal na gawaing ito,” pahayag pa ni Revilla.

Sa kaniyang bersiyon sa naturang panukala, sinabi ni Revilla na ang ating bansa ay bahagi ng Convention on the Rights of a Child na nag-oobliga sa lahat ng State parties na palakasin pa ang batas na magbibigay proteksiyon sa mga bata mula sa lahat ng klase ng sexual exploitation at pang-aabuso kabilang paggamit ng dahas.

Ipinaliwanag pa ni Revilla na ang pagtatatag ng karampatang edad para sa sexual consent ay isang kritikal na usapin upang mabigyang proteksiyon ang mga bata laban sa sexual violence dahil ang mga batang nasa edad 12 anyos pababa ay ikinukonsiderang wala pang lakas para tumanggi at basta na lamang ipagkaloob ang sarili sa kahit anong sekswal na aktibidad.

Kaugnay nito ay pinasalamatan ni Revilla Sen. Richard Gordon dahil sa pagsumite ng naturang panukala sa plenaryo upang matalakay at mabigyan ng pagkakataon na maging isang ganap na batas sa loob ng mabilis na panahon.

odyler villamor