REVILLA NAGHAIN NG RESOLUSYON SA TAGUMPAY NI HIDILYN DIAZ

viber_image_2021-07-27_15-41-11-354.jpg

NAGSUMITE ng isang resolusyon si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. sa Senado na nagbibigay ng pagkilala at pagbati dahil sa ipinamalas na husay ni Hidilyn Diaz na makapag-uwi ng kauna-unahang gintong medalya mula sa Olympic matapos ang 97 taong paghihintay.

Nasungkit ng ating weightlifter na si Diaz ang unang gintong medalya para sa Pilipinas nang talunin nito ang world champion ng China at record holder Liao Qiuyun sa makapigil hiningang face off sa Tokyo International Forum.

Si Diaz na isang sarhento sa Philipine Air Force ay ang kauna-unahang Pinay na double Olympic medalist dahil nagwagi na rin ito ng silver medal sa Rio Olympic apat na taon na ang nakararaan.

“Ang determinasyon at pagsisikap ni Hidilyn ay magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan at atletang Pilipino na makamit ang minimithi nating tagumpay dahil kayang-kaya nating manalo sa anumang larangan” paliwanag ni Revilla.

odyler villamor