Sen. Revilla: Maximizing borderless international community will benefit PH tremendously
Senator Ramon Bong Revilla, Jr. on Tuesday stated that maximizing the potentials brought about by a borderless international community will be very rewarding for the country.
He filed S. No. 1778, "Enhancing the Regulation on Employment of Foreign Nationals and Transfer of Technology," under Committee Report No. 105 as a viable means to boost the labor and employment industry in achieving such goal for local workers, industries, and the economy as a whole especially during the COVID-19 pandemic.
As the author of Senate Bill No. 458 which was incorporated in the said Committee Report, Revilla expressed his full support for the noble intent of the proposed legislation
Presidential Decree No. 442 otherwise known as the Labor Code of the Philippines allows the employment of non-resident aliens or foreign nationals under certain conditions.
"To be able to take full advantage of this provision, this proposed measure seeks, among others, to include a new section in the Labor Code which will require foreign nationals who were issued with employment permits to implement an understudy or skills development program," Revilla said.
Revilla added that through such program, Filipinos will be recipients of transfer of technology and skills which will allow them to eventually perform the job done by the said foreign national.
A measure of similar nature was approved on Third Reading by the House of Representatives in the previous Congress and was transmitted to the Senate but did not prosper into becoming a law.
"Ngayon na naihain na po ang panukalang batas na ito sa plenaryo, naniniwala po ako na sa maipapasa na natin ito sa lalong madaling panahon. Pinapahalagahan at sinusulong natin ang proteksiyon para sa ating mga manggagawa at ang pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kakayahan. Lalo na sa panahong ito na kailangan nating tugunan ang mga hamon na dala ng COVID-19 sa ating ekonomiya, ito ang pagkakataon na dapat nating paigtingin ang mga polisiya at programa na tutulong sa atin upang bumangon at manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok," Revilla said.
PANUKALANG PAGBABAGO NG POLISIYA PATUNGKOL SA ALIEN WORKERS SA BANSA, ISINUSULONG NI REVILLA
SINABI ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na ang pagma-maximize sa dalang potensiyal ng borderless international community ay magbibigay ng siguradong kapakinabangan sa ating bansa.
Sinegundahan ni Revilla ang pagsulong ng SB No. 1778, "Enhancing the Regulation on Employment of Foreign Nationals and Transfer of Technology," sa ilalim ng Committee Report No. 105 na naglalayong palakasin ang polisiya patungkol sa mga foreign o alien workers na nagta-trabaho sa bansa.
Bilang may akda ng Senate Bill No. 458 na isinama sa naturang Committee Report, inihayag ni Revilla ang kaniyang buong suporta sa marangal na layunin ng panukalang batas.
Sa ilalim ng Presidential Decree No. 442 o Labor Code of the Philippines ay pinapayagan ang pag-empleyo ng non-resident aliens o foreign nationals sa ilalim ng ilang kondisyon.
"To be able to take full advantage of this provision, this proposed measure seeks, among others, to include a new section in the Labor Code which will require foreign nationals who were issued with employment permits to implement an understudy or skills development program," saad ni Revilla.
Idinagdag pa ni Revilla na sa pamamagitan ng naturang programa, ang mga Pilipino ay siyang tatanggap ng transfer of technology and skills na kalaunan ay siya nang gagawa ng mga trabahong ginagawa ng naturang foreign national.
Matatandaan na ang kahalintulad na panukala ay aprubado na sa ikatlong pagbasa ng Kongreso at mula rito ay iniakyat na ito sa Senado ngunit hindi naisa batas.
"Ngayon na naihain na po ang panukalang batas na ito sa plenaryo, naniniwala po ako na sa maipapasa na natin ito sa lalong madaling panahon. Pinapahalagahan at sinusulong natin ang proteksiyon para sa ating mga manggagawa at ang pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kakayahan. Lalo na sa panahong ito na kailangan nating tugunan ang mga hamon na dala ng COVID-19 sa ating ekonomiya, ito ang pagkakataon na dapat nating paigtingin ang mga polisiya at programa na tutulong sa atin upang bumangon at manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok," paliwanag pa ni Revilla