Sen. Revilla calls on IATF: Reconsider implementing use of motorcycle dividers, heed calls of PH riders, experts, lawmakers
Almost two weeks after he appealed to the Inter-Agency Task Force (IATF) regarding the use of motorcycle barriers for riding couples, Senator Ramon Bong Revilla, Jr. again called on the government's policy-making body to reconsider the rule. This after hundreds of individuals, experts and other lawmakers expressed their opposition due to safety concerns.
The call of Sen. Revilla came after Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Joint Task Force (JTF) COVID Shield Chief, announced July 18 that government is extending the deadline for the installation of motorcycle barriers from July 19 to July 26.
"Napakarami po sa ating mga kababayan ang mismong nagsasabi na nahihirapan silang magbalanse at mag-maneuver ng kanilang motorsiklo dahil sa divider. Sa hirap po ng buhay ngayon lalo na't marami sa ating mga kababayan ang walang hanapbuhay at pambili ng divider, napipilitan silang mag-improvise ng sarili nilang barricade. Mas nalalagay tuloy sa alanganin ang ating mga kababayan lalo na kung yung improvised na divider nila ay hindi matibay ang pagkakakabit, marupok ang materyales, o di kaya'y kulang o sobra sa bigat," Revilla said.
The veteran legislator, also a motorcycle rider for decades, reiterated that several engineers and other experts are opposing the mandatory installation of dividers in motorcycles because it will become a question of safety, aerodynamics and maneuverability for riders.
Bong Revilla further suggested that the IATF conduct a comprehensive consultation among motorcycle manufacturers and experts to come up with better guidelines that will protect motorcycle riders from obtaining COVID-19 and at the same time, spare them from any road mishaps. "Sa halos dalawang linggo po mula nang ipatupad ng IATF ang paggamit ng divider sa mga motorsiklo, may ilan nang aksidente ang idinulot nito. Huwag po nating hintaying maging sanhi pa ito ng mas malalang aksidente. Baka imbes na makatulong, baka mas lalo pa itong magdulot ng malaking perwisyo," Revilla ended.
REVILLA SA IATF, ITIGIL ANG PAGPAPATUPAD NG MOTORCYCLE DIVIDER AYON SA PAYO NG MGA PINOY RIDER, EKSPERTO AT MAMBABATAS
DALAWANG linggo na ang nakararaan matapos umapela si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. sa Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa paggamit ng mga motorcycle barrier para sa magkaangkas, at ngayon ay muli itong nanawagan na ikonsidera ang pagtutol ng mga rider, eksperto at mababatas dahil sa usaping kaligtasan.
Ang panawagan ni Revilla ay muling iginiit matapos na ianunsiyo ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, na siyang Joint Task Force (JTF) COVID Shield Chief, na ang pamahalaan ay pinalalawig umano ang pagpapatupad ng instalasayon ng motorcycle barrier simula Hulyo 19 hanggang Hulyo 26.
“Napakarami po sa ating mga kababayan ang mismong nagsasabi na nahihirapan silang magbalanse at mag-maneuver ng kanilang motorsiklo dahil sa divider. Sa hirap po ng buhay ngayon lalo na’t marami sa ating mga kababayan ang walang hanapbuhay at pambili ng divider, napipilitan silang mag-improvise ng sarili nilang barricade. Mas nalalagay tuloy sa alanganin ang ating mga kababayan lalo na kung yung improvised na divider nila ay hindi matibay ang pagkakakabit, marupok ang materyales, o di kaya’y kulang o sobra sa bigat,” saad ni Revilla.
Pinalagan ni Revilla, na isa ring bihasang rider, ang hindi rin pagpapayag ng ilang engineers at mga eksperto ang obligadong pagkakabit ng motorcycle divider dahil malaki itong kuwestiyon para sa safety, aerodynamics at maneuverability para sa magkaangkas.
Dahil dito ay iminungkahi ni Revilla sa IATF na magsagawa ng komprehensibong konsultasyon sa mga motorcycle manufacturers at mga eksperto upang makapaglabas ng mas maayos na panuntunan na makapagbibigay ng tamang proteksiyon na hindi mahawa sa COVID-19 ang magkaangkas at matiyak ang kaligtasan sa aksidente.
“Sa halos dalawang linggo po mula nang ipatupad ng IATF ang paggamit ng divider sa mga motorsiklo, may ilan nang aksidente ang idinulot nito. Huwag po nating hintaying maging sanhi pa ito ng mas malalang aksidente. Baka imbes na makatulong, baka mas lalo pa itong magdulot ng malaking perwisyo,” pagwawakas ni Revilla.