Medical scholarship for deserving students, return service program a "twin solution" to PH health woes
Senator Ramon Bong Revilla, Jr. believes that the best way to increase the number of doctors in the country is for the state to provide a medical scholarship and return service program for deserving but financially-challenged students.
In his co-sponsorship speech, the veteran legislator stated that if S. No. 1520 or the Medical Scholarship Act will be passed into law, it will greatly benefit all those aspiring to enter the medical profession to finally pursue their ambition without having to make ends meet.
In return, once these scholars have finished their course and passed the Medical Board, they will serve in public health offices and medical centers.
"It is hard for any student to pursue his or her dream of becoming a doctor if he/she has limited financial capacity. Sabi nga, ang pagdodoktor daw ay para lamang sa mga mayayaman. Kahit matalino ka, kulang ang may alam lang. Kailangan mo ng pera. This proposed measure seeks to address that issue," Revilla said.
"Magiging mahalagang pundasyon ang panukalang ito upang mas lalo pang tumatag ang public health system sa ating bansa, kasabay ng modernisasyon ng ating mga ospital at pagpapalawig ng health insurance coverage ng ating mamamayan," Revilla added.
“MEDICAL SCHOLARSHIP NA, TUGON PA SA KALUSUGAN NG BANSA” -REVILLA
NANINIWALA si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na ang mabisang paraan para madagdagan ang bilang ng ating mga doktor ay ang bigyan ng medical scholarship and return service program ang mga salat ngunit karapat-dapat na mag-aaral sa bansa.
Sa kaniyang co-sponsorship speech, sinabi ni Revilla na kapag ang S. No. 1520 o ang Medical Scholarship Act ay pumasang maging isang batas, ay makapagbibigay ito ng malaking pag-asa para sa mga nais na pumasok sa medical profession at matupad ang kanilang mga pangarap.
At ang balik umano nito, sa oras na ang mga scholars na ito ay makapagtapos na ng pag-aaral at makapasa na sa Medical Board ay magsisilbi na sila sa ating public health offices at medical centers.
“It is hard for any student to pursue his or her dream of becoming a doctor if he/she has limited financial capacity. Sabi nga, ang pagdodoktor daw ay para lamang sa mga mayayaman. Kahit matalino ka, kulang ang may alam lang. Kailangan mo ng pera. This proposed measure seeks to address that issue,” paliwanag ni Revilla .
Binigyang diin pa ni Revilla na “Magiging mahalagang pundasyon ang panukalang ito upang mas lalo pang tumatag ang public health system sa ating bansa, kasabay ng modernisasyon ng ating mga ospital at pagpapalawig ng health insurance coverage ng ating mamamayan”.