Revilla to DPWH, LGU's: Conduct immediate audit, review of existing buildings, structures
"Dapat ngayon na isagawa ang inspeksiyon at audit ng mga buildings at structures, hindi 'yung kada lilindol pag-uusapan, pag-hupa tigil din ang usapan, pag-lindol usap na naman."
These were the words of Sen. Bong Revilla on Monday after filing a resolution urging the Department of Public Works and Highways (DPWH) and all local government units to conduct an immediate audit and review of existing buildings and structures to ensure compliance with the standards set by the National Building Code on Structural Safety.
The veteran lawmaker believes that an audit is necessary to protect people against avoidable damage to property and loss of lives.
It was reported that the first quake occurred on October 16, 2019 with a Magnitude of 6.3 with epicenter in Tulunan, North Cotabato.
The second strong earthquake recorded on October 29 was Magnitude 6.6, with and almost the same epicenter located 25 kilometers southeast of the Municipality of Tulunan.
On October 31, another strong earthquake was recorded with Magnitude of 6.3 with the same epicentre location in Tulunan. North Cotabato;
The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) reported that these earthquakes are part of a sequence of events from interrelated faults in the region, while the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) reported that as of November 4, 2019, 6:00 AM, there are a total of 22 dead, 424 injured, and 2 missing persons were reported in Regions X, XI, XII, and BARMM because of the series of earthquakes;
The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) said that affected and damaged infrastructures reached a total of 29,453.
Bong Revilla reminded that the Department of Public Works and Highways and all local government units are mandated to strictly implement the National Building Code, the government's policy which sets the technical standards in constructing and renovating buildings and structures in the Philippines.
"Ito na dapat ang huling wake-up call sa atin; Wala na dapat shortcuts para masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan," Revilla said.
“INSPEKSIYON SA GUSALI AT ISTRAKTURA NGAYON NA”--REVILLA
“Dapat ngayon na isagawa ang inspeksiyon at audit ng mga buildings at structures, hindi ‘yung kada lilindol pag-uusapan, pag-hupa tigil din ang usapan, pag-lindol usap na naman.” Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. makaraang isumite nito ang isang resolusyon na inaatasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang local government units na magsagawa ng agarang inspeksiyon sa mga estraktura at gusali sa bansa. Nais ng Senador na tiyakin ang pagtalima sa mga standard na nakapaloob sa National Building Code, particular na sa Structural Safety and Integrity upang mabigyan ng proteksiyon sa pagkawasak ang mga pag-aari at pagkawala ng buhay. Sa National Building Code nakasaad ang pambansang polisiya sa kaligtasan ng mga struktura, na siyang nagsasaad ng technical standards sa sa mga construction sa bansa. Nabatid na kamakailan lamang ay naitala ang mga paglindol sa Mindanao tulad ng noong nakaraang Oktubre 16, 2019 na may magnitude 6.3 na sumentro sa Talunan, North Cotabato, na nasundan ng malakas na pagyanig noong Oktubre 29 na may magnitude 6.6 na sumentro sa 25 kilometro ng Southeast ng munisipalidad ng Tanuan. Naitala ang ikatlong pagyanig noong Oktubre 31 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) , na may magnitude 6.3 na sumentro na naman sa Talunan, North Cotabato na kumitil at nagwasak ng milyun-milyong ari-arian. Idinagdag pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nitong Nobyembre 4, 2019 ay umabot na sa 22 ang naitalang nasawi, 424 ang nasugatan at 2 ang nawawala mula sa Regions X, XI, XII at BARMM dahil sa sunud-sunod na lindol. At ayon pa sa NDRRMC ay umabot sa 29,453 imprastraktura ang nawasak dahil sa nasabing insidente. Dahil dito ay nais ni Revilla na kumilos na agad ang DPWH at iba pang ahensiya ng pamahalaan at istriktong ipatupad ang National Building Code upang maiwasan ang trahedya sa mga darating na panahon. “Ito na dapat ang huling wake-up call sa atin; Wala na dapat shortcuts para masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan.”