De Lima Ulyanin - Bong Revilla

MARIING kinondena ng nagbabalik na si Sen. Bong Revilla si Senador Leila De Lima matapos itong magbigay ng pahayag na magkaiba umano ang kaniyang kategorya nang pagkakakulong kumpara kay Revilla.

Sinabi kasi ni De Lima na 'di tulad ni Revilla, na bumuno ng halos limang taong pagkakabilanggo, siya raw wala dapat sa kulungan at biktima lamang ng sitwasyon.

Binigyang diin ng beteranong mambabatas na tila nag-uulyanin, dumaranas ng dementia at matinding amnesia ito si De Lima dahil nakalimutan na nito na siya mismo ang nanguna sa persekusyon at panggigipit, nagtahi-tahi ng mga kasinungalingan at bumalewala sa katotohanan kaya nakulong si Revilla.

Idinagdag pa ni Bong na hanggang sa kasalukuyan ay binabalewala ni De Lima ang desisyon ng Sandiganbayan na nagpatotoong wala siyang kasalanan nang ibasura nito ang isinampang kaso laban kay Revilla kaya nga ito naabswelto at napawalang-sala at tuluyang pinalaya noong Disyembre 7, 2018.

Ipinunto rin ni Revilla na kaya nakulong itong si De Lima ay dahil sa utos ng korte matapos ang mga positibong testimoniya at ebidensiya na nagpapatunay ng kaniyang kaugnayan sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa. "Kung may pagkakaiba kami, ang korte sabi wala akong kasalanan at dapat palayain; siya, ang korte mismo ang nagsabing dapat siyang ikulong dahil mukhang totoo ang mga bintang sa kanya."

"Kaya hindi siya ang biktima ng kawalan ng hustisya. Matapos niya akong siraan at gibain, eto ang korte na nagsabing wala akong kasalanan at hindi dapat nakulong. Kagagawan niya ang panggigipit sa akin at pagkakakulong ko. Kagagawin din niya ang pagkakakulong niya dahil sa sinasabing pagiging drug lord niya," ani Revilla. "Ngawngaw nang ngawngaw ang mga kritiko ng administrasyon na wala raw nahuhuling big-fish sa droga, pero eto sila pinoprotektahan ang isang big-fish na si De Lima," paliwanag nito.

Si Revilla na ngayon ay nasa ika-anim na puwesto sa isinagawang survey ng SWS ay binanatan din ang mga dayuhang politiko at organisasyon na mga hipokrito at pakialamero na wala naman umanong ipinapel noong siya naman ang makulong ng walang kasalanan.

"Nasaan sila noong ginigipit ako? Bakit hindi sila kumibo noong ako'y dinitene sa Crame base sa imbentong kaso at kathang-isip ni De Lima at ng kanyang mga amo? Where is there condemnation of the injustice did to me when I was finally and expectedly acquitted?", tanong ni Bong. "Wala sila. Mga hipokrito!"

Mas makabubuti umano para sa mga foreign politicians na ito na huwag na lang makialam, kasabay ng panawagan ni Revilla sa US Drug Enforcement Agency at iba pang Anti- Narcotics agencies upang matukoy ang mas malalim na koneksiyon ng mga grupong ito na madalas ay nakaresponde kay De Lima.

"Base sa kaso, mukhang napakataas ni De Lima sa sindikato. Panahon na para silipin kung bakit napakabilis ng ilang tao o grupo na remesbak sa kanya. 'Di ba't dapat lang tignan ang mga nakapaligid at tumutulong sa mga akusadong Druglord at Kingpin? Parang kay Escobar lang yan, tiyak tayong lahat ng nakadikit sa kanya ay inimbestigahan," pagtatapos nito.

Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
PR Team