Manggagawa, Una Kay Senador Bong Revilla
“Manggagawa ang una sa akin,” ito ang isa sa binibitawang kataga ni Sen. Bong Revilla saan man ito mapadpad para magpahayag ng kaniyang plataporma bilang bahagi ng kaniyang pangangampanya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Disenteng pasuweldo sa mga laborer, teachers, nurses at barangay health workers ang kaniyang mga prayoridad sakaling makabalik sa Senado.