Revilla: Abide by SC ruling, implement mandated base pay salary of nurses by 2020
Sen. Bong Revilla on Tuesday reiterated the need to implement R.A. 9173 or the “Philippine Nursing Act of 2002” which mandates the base pay of nurses in the public sector to Salary Grade 15 and questioned its exclusion in the 2020 budget despite the Supreme Court’s ruling. In his interpellation during the Senate Budget Hearing for DOH, the veteran legislator emphasized that the implementation of the mandated base pay for government nurses will convince them to pursue a career in the country rather than abroad by making their salaries competitive. According to a data released by the Philippine Overseas Employment Agency (POEA), more than 19,000 nurses leave the country every year to pursue a medical career abroad, particularly in countries like United States, United Kingdom, Canada and New Zealand where they earn ten times more. Under R.A. 9173, the minimum base pay of entry-level public nurses is P 30,531 (SG 15), a difference of P 9,777 from their current take home pay of P 20,754 (SG 11). On the other hand, Nurse II will be SG 16 (P 33,584). “Dapat sundin natin at dapat po maisama natin ito sa budget dahil Korte Suprema na mismo ang nag-utos nito,” Revilla said.
SUNDIN ANG SUPREME COURT, IPATUPAD NA UTOS NA SAHOD NG NURSE--REVILLA
“DAPAT sundin na ang utos ng Korte Suprema na ipatupad na ang base pay ng mga nurses sa 2020”
Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na kailangang ipatupad na ang R.A. 9173 o ang “Philippine Nursing Act of 2002” kung saan nakasaad ang base pay ng mga nurses sa public sector para sa Salary Grade 15 kasabay nang pagkuwestiyon kung bakit hindi ito naisali sa 2020 budget sa kabila ng utos ng Korte Suprema.
Sa gitna ng pagdinig ng Senado para sa budget ng Department of Health (DOH) , sinabi ni Revilla na ang pagpapatupad ng base pay para sa mga government nurses ay makapagbibigay ng pag-asa para lalo nilang pagbutihin ang karera sa ating bansa sa halip na magtrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa ulat na inilabas ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA), mahigit sa 19,000 nurses ang umaalis ng bansa kada taon para ipagpatuloy ang medical career abroad, partikuar sa United States, United Kingdom, Canada at New Zealand na mas mataas ang kanilang suweldo.
Sa ilalim ng R.A. 9173, ang minimum base pay ng entry-level public nurses ay P 30,531 (SG 15), na may dipirensiyang P 9,777 mula sa kanilang kasalukuyang take home pay ng P 20,754 (SG 11). Sa kabilang banda ang Nurse II na SG 16 (P 33,584).
“Dapat ipatupad na natin ito sa lalong madakling panahon at dapat po maisama natin ito sa budget dahil Korte Suprema na mismo ang nag-utos nito,” saad ni Revilla.