Gov't officials to be automatically promoted upon retirement - Revilla
Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. on Tuesday said that all government officials and employees who are eligible for compulsory retirement shall be granted an automatic promotion equivalent to One Grade Level Higher than his/her position at the time of retirement.
He filed Senate Bill No. 1019, "An Act Providing Automatic Promotion of Government Officials and Employees upon Retirement from Government Service," where the adjusted Salary Grade Level of the retiree shall be used as the basis for the computation of their retirement benefits.
The veteran lawmaker believes that this is essential to help return the service of government employees who dedicated their most productive years in public service. Since most them will reach their retirement age while in service, Bong Revilla believes that it is important to ensure that they will maximize their benefits upon leaving the service.
"Kung ang mga pulis ay binibigyan ng one rank higher kapag nagretiro, bakit hindi natin gawin sa lahat ng government employee na bigyan din kaparehong promotion at benefits," Revilla said.
REVILLA ISINULONG ANG AWTOMATIKONG PROMOSYON SA RETIRED GOVERNMENT OFFICIAL
NAIS ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na magkaroon ng awtomatikong promotion ang isang government official o empleyado na eligible para sa compulsory retirement na One Grade Level Higher sa kaniyang kasalukuyang posisyon sa oras na ito ay magretiro. Ito ang nilalaman ng isinumiteng panukalang batas ni Revilla (Senate Bill No. 1019), “An Act Providing Automatic Promotion of Government Officials and Employees upon Retirement from Government Service,” kung saan ang adjusted Salary Grade Level ng isang magreretiro ang magiging basehan para sa pagkukuwenta ng kaniyang retirement benefits. Naniniwala si Revilla na ito ay kailangan para matulungang maibalik ang ibinigay na serbisyo ng isang government employee na iginugol ang maraming taon ng kaniyang buhay sa serbisyo publiko. Dahil sa marami umano ang aabutin ng kanilang pagreretiro habang nasa serbisyo ay nais ni Revilla na matiyak na makukuha ng isang government employee na magreretiro ang todong benepisyo bago lumisan sa serbisyo. “Kung ang mga pulis ay binibigyan ng one rank higher kapag nagretiro, bakit hindi natin gawin sa lahat ng government employee na bigyan din kaparehong promotion at benefits” pagwawakas ni Revilla