PROVINCIAL BUS BAN WON'T SOLVE EDSA 'CARMAGEDDON' -REVILLA

viber_image_2019-08-13_12-43-00.jpg

Individuals, groups and organizations opposing the controversial EDSA Provincial Bus Ban earned the support of Sen. Bong Revilla after the veteran legislator said that the move will not resolve grueling traffic affecting hundreds of thousands of passengers.

The hearing, led by the Senate Committee on Public Services, was attended by DOTr Used. Mark de Leon, MMDA Chairman Danilo Lim, LTFRB Chairman Martin Delgra, LTO Chief Asec. Edgar Galvantee, Task Force EDSA Emmanuel Tabuena and PNP-HPG Legal Darwin Paz.

Also present during the hearing were representatives from public and private sectors, local officials, major transport groups, commuters associations and transport economists.

Based on a data by MMDA, the standard speed of vehicles traversing EDSA is 60 kph, but at present, vehicles are limited to 19 kph which led to their decision to implement a provincial bus ban.

MMDA was scheduled to conduct a dry-run for the bus ban but it was suspended after the Quezon City RTC issues a temporary restraining order (TRO) on July 31 which caused massive traffic jam along EDSA.

Revilla also grilled MMDA and LTFRB yesterday about their response to QC-RTC 223 which released a preliminary injunction regarding the bus ban. Other Lower House representatives also pointed out that the bus ban is a form of discrimination towards citizens hailing from provinces.

"Kasi nga naman, kung pupunta ka ng Manila at galing ka ng Bicol o Tuguegarao isang sakay lang, bitibit mo ang bagahe mo. Doon sa proposal na bus ban--magiging dalawang sakay na, dagdag pamasahe na hassle pa at kawawa ang mga senior citizen" giit ni Revilla.

Revilla further added that the establishment of PITX has worsened the traffic situation for Cavitenos who travel to and from Manila everyday.

The Japan International Cooperation Agency (JICA) in their study revealed that excessive car volume is the main cause of the "carmageddon" in EDSA, comprising 72 percent of all vehicles using the highway. They also added that the local economy loses more than P 3.5 billion everyday due to traffic.

Revilla also questioned MMDA on why they are passing the blame on provincial buses when in fact, only 8,000 out of the estimated 400,000 vehicles pass through EDSA.

"Hindi naman pala karamihan ang provincial buses kumapara sa iba, pero bakit ang mga ito ang pinanggigilan anong meron ang mga provincial buses kumpara sa ibang sasakyan" tanong ni Revilla.

Revilla also emphasize the need for further study to come up with a win-win situation that can solve EDSA traffic instead of blaming provincial buses.

PROVINCIAL BUS BAN HINDI SOLUSYON -REVILLA

NAKAKUHA ng kakampi ang mga taga-probinsiya sa katauhan ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. makaraang kuwestiyunin nito kahapon sa isinagawang pagdinig sa Senado at sa implementasyon ng provincial bus ban sa kahabaan ng EDSA.

Ang naturang pagdinig na nasa ilalim ng  Public Services Committee ay dinaluhan nina DOTr Usec Mark de Leon, MMDA Chairman Danilo Lim, LTFRB Chairman Martin Delgra, LTO Chief Asec. Edgar Galvante, Tak Force EDSA Emmanuel Tabuena at PNP-HPG Legal Darwin Paz.

Dumalo rin sa naturang pagdinig ang ilang apektadong lokal na opisyal, repesentante ng private sector, iba’t-ibang malalaking transport group, mga samahan ng commuter at ilang transport economists.  

Base sa datos ng MMDA ang standard na bilis ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA ay 60 kph, ngunit umiiral ang kasalukuyang bilis na 19 kph lamang na humantong sa kanilang desisyon na i-ban na ang provincial buses.

Noong nakaraang linggo ay nanawagan ng dry-run ang MMDA ngunit noong Hulyo 31 ay nagbaba ng TRO ang Quezon City Regional Trial Court na naging dahilan ng lalong pagsisikip ng trapiko at tinawag itong ‘failure’ ng tagapagsalita ng MMDA na si Celine Piolago.

Kahapon ay piniga ni Revilla ang MMDA at LTFRB kung ano ang naging kasagutan nila sa QC-RTC Branch 223 na nagpalabas ng preliminary injunction hinggil sa bus ban at maging ang ilang representante ng Lower House ay nagsasabing isang deskriminasyon ang bus ban para sa mga probinsiyano.

“Kasi nga naman, kung pupunta ka ng Manila at galing ka ng Bicol o Tuguegarao isang sakay lang, bitibit mo ang bagahe mo. Doon sa proposal na bus ban—magiging dalawang sakay na, dagdag pamasahe na hassle pa at kawawa ang mga senior citizen” giit ni Revilla.

Idinagdag pa ni Revilla na maging ang pagkakatatag ng PITX ay nakapagpalala ng sitwasyon ng mga Kabitenyo dahil sa halip na makatulong  sa trapiko ay lalo pang nakasama.

Base naman sa pinakahuling pag-aaral ng JICA, (Japan International Cooperation Agency) ang kotse ang siyang pangunahing nagpapasikip ng EDSA  na umaabot umano sa 72 porsiyento kumpara sa ibang sasakyan at dahil dito ay umaabot sa 3.5 bilyong piso ang nalulugi sa ating ekonomiya.

Sa gitna ng pagdinig ay mariing kinuwestiyon ni Revilla ang aktuwal na bilang ng private vehicle, TNVS, UV Express at ang provincial buses na tinatayang nasa 8,000 lamang ang bilang ngunit bakit ang mga ito ang pinag-iinitan.

“Hindi naman pala karamihan ang provincial buses kumapara sa iba, pero bakit ang mga ito ang pinanggigilan anong meron ang mga provincial buses kumpara sa ibang sasakyan” tanong ni Revilla.

 Binigyang diin pa Revilla na makabubuting pag-aralan pa ang problemang ito sa halip na pag-initan ang mga probinsiyano at mag-isip ng parehas at maayos na solusyon na ikagiginhawa ng lahat.

PR Team