Revilla calls on colleagues to support 'Teaching Supplies Allowance for Public School Teachers'

unnamed.jpg

Sen. Bong Revilla on Monday called on his fellow legislators to support Senate Bill No. 1092, "An Act Institutionalizing the Grant of Teaching Supplies Allowance for Public School Teachers," under Committee Report No. 14 jointly submitted by the Committees on Civil Service , Government Reorganization and Professional Regulation; Basic Education, Arts and Culture; Ways and Means; and Finance.

Under this bill, more than 800,000 teachers will be provided with P 5,000 each to be used as chalk and teaching supplies allowance, compared to the P 3,500 they are presently receiving.

The bill further ensures that the said allowance will be responsive to the needs of the teachers by mandating the Secretary of Education to conduct a periodic review and recommend necessary increase based on current prices of the materials.

"Mr. President, sabi nga ng ating mga guro, mabuti pa ang mga sundalo, binibigyan ng bala para sa kanilang baril, pero ang mga guro, hindi binibigyan ng chalk para sa kanilang blackboard," Revilla said.

"Sa totoo lang po, binibigyan naman sila ng allowance para pambili ng chalk at iba pang materyales na kailangan nila sa pagtuturo. Ngunit kulang na kulang ang halagang binibigay sa kanila kaya isinusulong natin na madagdagan ito," he added.

Bong Revilla expressed his confidence that the chamber will continue to extend its support in pushing for the increases in the teaching supplies allowance like in the previous years.

CHALK AT ALLOWANCE NG MGA TEACHERS PINURSIGE NI REVILLA

NANAWAGAN si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr, sa kapwa niya Senador para suportahan ang Senate Bill No. 1092, “An Act Institutionalizing the Grant of a Teaching Supplies Allowance for Public School Teachers”.

        Sa ilalim ng Committee Report No. 14 ay sama-samang isinumite ng Committees on Civil Service , Government Reorganization and Professional Regulation; Basic Education, Arts and Culture; Ways and Means; at Finance ang naturang panukala.

        Nais ni Revilla na maipasa sa lalong madaling panahon ang Senate Bill na ito dahil naniniwala umano siya na malaking kagaanan para mga guro ang karagdagang budget na ito na.

        Mahigit umano sa 800,000 teachers ang mapagkakalooban ng P5,000 bawat isa na maaari nilang gamiting pambili ng chalk at teaching supplies allowance na sobrang malayo sa P3500 na pinagkakaloob ng 2008 General Appropriations Act.

        Alam naman natin na na isa sa nangangailangan ng dagdag-sahod ay ang ating mga guro kaya ang karagdagang P1500 sa kanilang tinatanggap na allowance ay malaking bagay na.

        Ang kagandahan pa umano ng batas na ito ay inaatasan nito ang Secretary of Education na magsagawa ng periodic review para makapagrekomenda ng  karagdagang allowance  base sa kasalukuyang presyo ng bilihin o materyales na ginagamit sa eskuwela. 

        Dahil umano sa inflation at iba pang economic factors, ang chalk at iba pang teaching supplies ay patuloy ang pagtaas tuwing ikatlong taon simula noong taong 2008 kaya karapat-dapat lamang talagang dagdagan.

        “Nakakaantig nga ang panawagan ng mga guro na “ President Duterte, mabuti pa ang mga sundalo, binibigyan ng bala para sa kanilang baril, pero ang mga guro, hindi binibigyan ng chalk para sa kanilang blackboard”. Saad ni Revilla.

Ito umano ang panawagan ng mga guro nang minsan silang humarap sa Senado kamakailan kaya natutuwa si Revilla na positibo naman ang ilang Senador hinggil dito at magandang pamasko na ito hindi lang sa mga teachers kung hindi maging sa mga mag-aaral.

Edward Sodoy