Revilla shows viral photo of ex-Mayor Sanchez, daughter during Senate GCTA hearing
Sen. Bong Revilla, Jr. yesterday grilled Bureau of Corrections (BuCOr) Chief Nicanor Faeldon about the thwarted release of former Calauan, Laguna Mayor and convicted rapist Antonio Sanchez.
During his 10-minute interpellation, Revilla showed to Faeldon a photo of Sanchez wearing a face mask with his daughter, Coun. Ave Marie Tonee "Amty" Sanchez-Alcid in a hospital facility. The viral photo has triggered public outrage, sparking rumors that the convicted mayor goes in and out of jail.
Coun. Sanchez explained that the photo was taken in a hospital during her birthday, when her father was confined in a hospital.
Bong Revilla urged for the revision of Republic Act 10592 or Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, citing that the law was originally intended for promoting prisoner rehabilitation and successful reintegration into mainstream society.
"Kawawa naman kasi 'yung mga biktima ng mga nakakulong na ito kung magagamit lamang ang batas sa maling paraan para lamang sila makalaya," Revilla said.
KUHANG LARAWAN PAGLABAS NI SANCHEZ INILABAS NI REVILLA
IGINISA ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon sa isinagawang pagdinig kahapon sa Senado hinggil sa naudlot na paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez. Kasabay nito ay ipinagpaliwanag ni Revilla si Faeldon hinggil sa nakuha nitong larawan na umanoy dumalo si Sanchez sa birthday ng anak na isinagawa sa labas ng BuCor. Hindi nagbigay ng paliwanag si Faeldon bagkus ay nagpaliwanag ang anak ni Sanchez na nasa larawan na si Calauan Councilor Amty Sanchez-Alcid at pinabulaanang kuha ang larawan sa birthday party kundi sa isang ospital kung saan naka-confine si Sanchez. Kasunod nito ay mariing pinarerepaso ni Revilla ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) upang matiyak na hindi ito naabuso o nagagamit sa mali tulad ng inaakala ng marami. Sinabi ni Revilla na naiintindihan niya ang galit ng publiko ngunit isinabatas ang Republic Act 10592 o ang mas kilala sa tawag na GCTA ay upang pairalin ng mabuti at hindi kung ano pa man. “Kawawa naman kasi ‘yung mga biktima ng mga nakakulong na ito kung magagamit lamang ang batas sa maling paraan para lamang sila makalaya” paliwanag ni Revilla.
https://www.senate.gov.ph/press_release/2019/0903_revilla1.asp